Philippine Laws Library | BATASnatin - Filipino's Comprehensive Online Law Resource and Community

Switch to desktop Register Login

Welcome, Guest
Username Password: Remember me

Shema Corporation legal ba?
(1 viewing) (1) Guest
  • Page:
  • 1
  • 2

TOPIC: Shema Corporation legal ba?

Shema Corporation legal ba? 1 year, 10 months ago #115

  • davs_24
  • OFFLINE
  • Fresh Boarder
  • Posts: 1
  • Karma: 0
Magandang Umaga.

Gusto ko lamang po sana itanong kung papaano ko malalaman kung legal ba ang 1 korporasyon dito sa pilipinas? nakapanood ako ng video ito ang link:

www.veoh.com/search/videos/q/subicc+regi...%3Dv19665752aH78JKKW

Dito sa video ay ipinapaliwanag ng miyembro na ang shema ay hango sa konseptong cooperatiba. At ang shema corporation ay backed-up ng shema foundation
galing sa shema foundation ang pondo na ginagamit nila pra sa pagpapatakbo nito.

Sa video ay ipinapaliwanag ng member kung papaano magbebenefit ang 1 member sa pagsali sa shema corporation. Ipinaliwanag din sa video na hindi raw 1 uri ng networking ang shema. Ano ang kailangang hingin ng 1 interesadong indibidwal
sa shema na magpapatunay na sila ay legal?
ano anong papeles ang kailangan nilang maipakita upang masabi na cla ay hindi nanloloko?

Ang kadahilanan po ng aking pagtatanong
ay una concerned po ako sa mga kakilala ko
na sumali agad agad d2 ng hindi man lang nagsasaliksik kasama na po ang ibang miyembro ng aming pamilya, pangalawa ay kung sakaling tama ang aking hinala paano ko sa kanila ito maipapaliwanag
ng klaro. pangatlo kung sakali namang ito ay legal nga hindi ko rin po ikakaila na maaari po akong sumali sa kanila. Dahil kung mapapanood nyo po ang video para sa isang ordinaryong mamamayan napakalaking tulong po ito para samin..

Sana po ay masagot nyo ang aking katanungan.
Humihingi po ako ng tulong sa inyo na may sapat
na kaalaman ukol sa mga bagay na ito.
Sinubukan ko pong hanapin sa mga webpages
kaso hindi ko po alam kung ano ang aking dapat na tingnan. MARAMING SALAMAT PO! MORE POWER PO SA INYO. AND GODBLESS.

Re:Shema Corporation legal ba? 1 year, 10 months ago #116

  • JaneDoe
  • OFFLINE
  • Senior Boarder
  • Posts: 64
  • Karma: 2
Ang magandang paraan kung malaman kung ang corporasyon na ito ay legal at incorporated under philippine laws ay pumunta sa Securities and Exchange Commission. Ask them about the details of the corporation if it exists.

Pangalawa, kadalasan sa mga MLM, if its too good to be true at may babayaran ka a, most likely, it is fake. Pyramiding yun na pinagbabawal ng batas.

Pangatlo, kung wala silang actual product na minamarket, obvious na sham.

Re:Shema Corporation legal ba? 1 year, 8 months ago #242

  • 0verseer
  • OFFLINE
  • Expert Boarder
  • Posts: 80
  • Karma: 2
Watch this video, this will help a lot I guess.
Last Edit: 1 year, 8 months ago by 0verseer.

Re:Shema Corporation legal ba? 9 months, 2 weeks ago #595

  • foobarph
  • OFFLINE
  • Senior Boarder
  • Kawikaan 30:7-9
  • Posts: 57
  • Karma: 0
nasagot na ni janedoe yung tanong mo.

siguro, pakiramdaman mo na rin kung legal ba yang shema o hindi. pag may kaunting duda ka, wag mo na ituloy. kasalanan na lang siguro ng mga kakilala mo kung itutuloy nila yan o hindi at magkaruon ng aberya sa huli.

ang tunay na asenso sa pera, hindi nadadaan sa pabilisan ng kita. yan ang isa sa mga weakness ng mga tao kaya maraming naloloko ngayon.
IBID

Re:Shema Corporation legal ba? 8 months, 3 weeks ago #782

  • gherzy28
  • OFFLINE
  • Fresh Boarder
  • Posts: 8
  • Karma: 0
i think questionable ang corporation. better also check the status of the foundation..where they get the money?are they registered with SEC?kasi kadalasan ginagamit yung foundation sa kagaguhan at magbubuo pa nang ibang pangalan...check their articles if makakuha ka

Re:Shema Corporation legal ba? 8 months, 2 weeks ago #796

  • malaya
  • OFFLINE
  • Senior Boarder
  • Posts: 50
  • Karma: -1
nakarating na rin itong shema sa visayas. so far, ok naman yung feedback nung pinsan ng kakilala ko na sumali. but to eliminate any doubt, SEC lang talaga nag makaka-sagot sa tanong mo.
  • Page:
  • 1
  • 2
Time to create page: 0.72 seconds

BATASnatin.com- The Best Philippine Law Library

Top Desktop version