Hello po. Ask ko lang po yung regarding sa RA 7832. Naka receive po kse kami ng letter from meralco and we were billed 99K kse nirelocate namin yung meter. Reason for relocation: nag extend kami ng terrace ng house, we actually gave a request for relocation sa meralco pero di sila agad nagpunta, eh kelangan ng buhusan yung beam ng terrace, so pinakiusapan na lang ng nanay ko yung isang trabahador na ilipat yung meter. After 3 days, may dumating na taga meralco, nakita niya na nailipat na yung meter and he checked and told my mom na ok naman daw. Last August 2010, nasira yung meter, so pinalitan ng bago, walang lumabas na electrical consumption nung August, ang sabi, baka i-aaverage na lang yung previous months. Ngayon po, yung letter na dumating, 99K yung naka bill sa amin. Ask ko lang po kung nagviolate kami dun sa RA 7832? Thank you po.