Philippine Laws Library | BATASnatin - Filipino's Comprehensive Online Law Resource and Community

Switch to desktop Register Login

Welcome, Guest
Username Password: Remember me

Is our agreement valid?
(1 viewing) (1) Guest
  • Page:
  • 1

TOPIC: Is our agreement valid?

Is our agreement valid? 9 months, 2 weeks ago #528

May binabayaran na lupa ang nanay at tatay ko sa NHA. May kamag-anak kami na naghahabol sa lupa at nakipag-usap samin na makikishare sila sa bayad. Pumayag kami dahil kamag-anak naman at dahil previously yung magulang ng naghahabol e sya yung unang nakapangalan o may rights sa lupa (pero di ko alam kung talagang nakapangalan sa nanay nya yun). Matagal na panahon na hindi nila inasikaso ang lupa, at tinirhan namin yun kasi baka mapunta lang sa iba. After more than 20 years, inapply namin sa NHA, naaprove kami sa NHA at inaward sa amin ang lupa at nagstart magbayad monthly for 15 years. Then after 2 years biglang sumulpot ang naghahabol at pumayag kami na bigyan namin sila ng kaparte. Ang nangyari gumawa sila ng kasunduan. Nakasaad dun na hahatiin ang lupa after na mabayaran. Ang problema hindi nakasaad sa kasunduan kung sino ang magbabayad. Pinirmahan po iyon ng dalawang magulang ko at may witness pa at notarized , hindi nila pansin na di malinaw ang kasunduan na pinirmahan nila.

Heto po ang mga tanong ko:

1. Valid po ba yung kasunduan ng magulang ko sa kanila knowing na yung time ng agreement sa kamag-anak namin e nangyari habang binabayaran pa lang namin ang lupa sa NHA. Nakasaad kasi sa NHA contract na bawal pumasok sa anumang agreement sa third party hanggang hindi pa tapos ang kontrata namin sa NHA?
2. Valid din po ba yung kasunduan na di malinaw kung sino ang magbabayad? Kasi wala pa silang naiabot sa amin na kahit isang sentimo sa loob ng 8 years?
3. Kung magsasabi sila na mag-aambag na sila starting 8th years to 15th years hanggang matapos hulugan ang lupa sa NHA at di na kami pumayag, may habol ba sila dun sa kasunduan na pirmado ng magulang ko kung ayaw na namin sila partehan pa?

Salamat po.
Last Edit: 9 months, 2 weeks ago by kontraktorr.
  • Page:
  • 1
Time to create page: 0.81 seconds

BATASnatin.com- The Best Philippine Law Library

Top Desktop version